Home METRO Pagpatay sa Davao prosecutor kinondena ng lawyers’ group

Pagpatay sa Davao prosecutor kinondena ng lawyers’ group

MANILA, Philippines – Kinondena ng lawyers groups sa Digos City ang pamamaslang kay Davao Occidental Assistant Provincial Prosecutor Eleanor “Ning” P. Dela Peña habang pauwi ito ng bahay nitong Lunes, Hunyo 10.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Florante S. Retes, hepe ng Digos City Police, sakay si Dela Pena ng isang pickup truck pauwi sa Chapter 8, Tienda, Barangay Aplaya sa Digos City nang atakehin ng salarin.

Natagpuang wala nang buhay ang biktima nang dumating ang mga tauhan ng Digos City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Ilang oras matapos ang pagpatay, naaresto ng pulisya ang lalaki na kinilalang half-brother ni Dela Pena sa national highway ng Barangay Talas, Sulop, Davao del Sur.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay kinilalang si Arnel Galot Dela Peña, 56, dating pulis at half-brother ng biktima, na tinukoy ayon sa pahayag ng anak ng biktima sa pamamagitan ng closed-circuit television (CCTV) footage malapit sa crime scene at paglalarawan ng mga saksi.

Agad na kinondena ng Union of Peoples’ Lawyers in Mindanao (UPLM) at Free Legal Assistance Group (FLAG) sa Southern Mindanao ang pagpatay.

“We call upon the Marcos Jr. administration to take decisive action to end these senseless acts of violence and impunity and to ensure that the perpetrators of these heinous crimes are brought to justice,” saad sa joint statement na pirmado nina Atty. Antonio Azarcon, UPLM chair at Manuel Quibod, regional coordinator ng FLAG Southern Mindanao.

Nanawagan ang mga grupo na tapusin na ang impunity sa pagbibigay ng agarang hustisya sa humahabang listahan ng karahasan sa mga abogado, judge at prosecutor.

“Her senseless killing is an affront to the entire legal community and a brazen desecration of the fundamental principles of justice she upheld,” sinabi pa sa pahayag. RNT/JGC