MANILA, Philippines- Ipinag-utos ng National Police Commission (Napolcom) ang pagpapadali sa summary dismissal proceedings para sa mga pulis na nahaharap sa administrative cases.
Sinabi ng komisyon nitong Huwebes na tumatalima ito sa Office Order No. 2025-012 ng komisyon na may petsang June 2, 2025, nilalayong tiyakin ang mabilis na disposisyon ng mga kaso sa loob ng 60 working days mula sa paghahain ng reklamo.
Nakasaad sa kautusang nilagdaan ni Napolcom Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Calinisan ang detalyado at partikular na timeline na sumasaklaw sa lahat ng yugto ng summary dismissal process — mula sa initial evaluation reklamo, pag-isyu ng formal charges, pagsasagawa ng paglilitis, hanggang sa pinal na resolusyon ng mga kaso.
“This is justice with urgency. By setting clear timelines and holding everyone accountable to them, we ensure that complaints against police officers are resolved promptly – without delay, without injustice,” giit ni Calinisan. RNT/SA