Home NATIONWIDE Pagsali sa UAAP ‘di pa napagdedesisyunan ng Ateneo kasunod ng pagkasawi nina...

Pagsali sa UAAP ‘di pa napagdedesisyunan ng Ateneo kasunod ng pagkasawi nina Baterbonia at Adili

3
0

MANILA, Philippines — Wala pang desisyon ang Ateneo de Manila University kung lalahok ito sa UAAP Season 89 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga student-athlete na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Ayon kay Ateneo President Fr. Bobby Yap, pinag-aaralan pa ng unibersidad ang lahat ng posibleng hakbang matapos itong umatras sa FilOil EcoOil Preseason Cup.

“‘Yung sa UAAP, wala pang desisyon. Wala pang ano. Pinag-aaralan namin ‘yun,” ani Yap.

“Pero wala pa talagang desisyon o ano kung anong gagawin. ‘Yung sa UAAP namin, nagsabi ‘yung board, may statement ang UAAP, so susunod kami doon.”

Sinabi rin ni Yap na wala pang planong baguhin ang komposisyon ng men’s basketball team sa kabila ng pagbibitiw nina head coach Tab Baldwin at team manager Epok Quimpo kasunod ng insidente.

“Ang nag-resign lang ‘yung dalawa. In fact, ‘yung assistant coaches, ‘yung coaching staff, tinutulungan din namin,” ani Yap.

“They’re also in the grieving process. We are providing as much support for them as they grieve this tragedy and we will continue, there’s no revamp of any sort.”

“We will continue and we hope that after a few weeks, they can supervise the practices of the team.” Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here