Home NATIONWIDE Pagsasabatas ng Anti-POGO Act, ASEAN crackdown sa scam hubs hirit ni Hontiveros

Pagsasabatas ng Anti-POGO Act, ASEAN crackdown sa scam hubs hirit ni Hontiveros

MANILA, Philippines- Muling inihirit ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang pagsasabatas ng Anti-POGO Act, saka iginiit din ang mabilisang pangangailangan ng regional approach sa pagbuwag ng transnational scam operation na may kaugnayan sa offshore gambling.

Sinabi ni Hontiveros na layunin ng panukala na permanenteng ipagbawal ang lahat ng kauring operasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) at papanagutin ang sinumang sangkot sa krimen at ibasura ang pamamaraan ng deportasyon bilang “get-out-of-jail-free card.”

Layunin nito na ibasura ang tax exemptions na ibinigay ng Duterte administration habang binibigyan ng kapangyarihan ang Bureau of Internal Revenue na habulin ang hindi nababayarang buwis.

Kasabay nito, iginiit din ni Hontiveros sa panayam, ang kahalagahan ng regional cooperation ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) dahil kapag binuwag ang POGO sa isang partikular na bansa, lilipat lamang ito sa panibago tulad ng Cambodia at Myanmar na kung saan maraming scam compounds ang nakatayo.

“POGOs are not just a local menace —they are part of a transnational web of criminality. ASEAN must take the lead in building a code of conduct to dismantle scam hubs, rescue trafficking victims, and hold criminals accountable,” aniya.

Hinikayat ni Hontiveros ang ASEAN na makipag-ugnayan sa Western government kabilang ang United States, Germany, United Kingdom, and Australia – na kung saan nabiktima din ang kanilang mamamayan.

Nanawagan din ang senador na patuloy at pagpapatingkad ng Bali Process, isang regional forum na may layunin na magkaroon ng koordinasyon at policy developments upang tugunan ang irregular migration sa Asya-Pasipiko at iba pang lugar.

“Governments must recognize trafficked workers as victims – not illegal migrants or criminals. A transnational problem requires a transnational response,” pahayag niya.

‘The Philippine government has made progress by banning POGOs and raiding remaining offices posing as legitimate businesses but that crackdown is “far from over,” dagdag ng senadora. Ernie Reyes