Home NATIONWIDE Scammer pinakakasuhan ni Poe vs ‘dramatic hike’ ng scam, text, calls

Scammer pinakakasuhan ni Poe vs ‘dramatic hike’ ng scam, text, calls

MANILA, Philippines- Nanawagan si Senador Grace Poe sa pamahalaan na tugisin at kasuhan ang sinumang scammer na nambibiktima sa text messages at iba pang social media platform sa kabila ng pagsasabatas ng SIM Registration Law.

Sinabi ni Poe, dating chairman ng Senate committee on public services at pangunahing awtor ng batas, na nagkaroon ng “dramatic increase” sa scam calls at messages sa unang tatlong buwan nmg 2025.

Aniya, lubhang nakakabahala ang paglobo ng scammer sa gitna ng pagsasabatas ang SIM Registration law at total ban ng POGO sa bansa.

“By this time, we hope wrongdoers are already feeling the mettle of the law and unsettling those hatching vile scamming plans. Scammers should be tried in court and punished. If no one is held accountable, perpetrators will be emboldened to continue with their illegal activities,” wika ng senador.

Bukod dito, nanawagan din si Poe sa kaukulang ahensya ng pamahalaan, kompanya ng telekomunikasyon at iba pang stakeholder na patuloy na lumikha ng innovative solutions upang sugpuin ang call at text scams.

“Eliminating scams or at least paring them down to a minimum will require being smarter than the scammer,” ani Poe.

Nagbabala si Poe na kapag nagpatuloy ang scammers, mas maraming Filipino ang mabibiktima ng identity theft at pagkalugi.

“While not a silver bullet to the scamming menace, the law that we passed can go a long way in fighting cybercrimes. It has institutionalized stricter measures on SIM use and legal basis for penalizing its misuse,” pahayag ni Poe.

Base sa datos ng caller identification service provider Whoscall, na may kabuuang 6,157,517 text short message service (SMS) scams ang napaulat sa Pilipinas noong 2024.

Layunin ng SIM Registration Act or Republic Act 11934 na tuldukan at sugpuin ang krimen na gumagamit ng SMS platform kabilang ang text at online scams sa pamamagitan ng regulasyon ng mandatoryong rehistrasyon ng SIMs. Ernie Reyes