MANILA, Phlippines – Ikinalungkot ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS)ang pagsasara ng CNN Philippines kung saan 300 empleyado ang nawalan ng trabaho.
Ayon kay PTFoMS Undersecretary Paul Gutierrez ,isang malaking kawalan sa hanay ng media ang anunsyo ng management ng CNN Philippines na ititigil na ang kanilang broadcast operations dahil sa pagkalugi.
Sa kanilang anunsyo, Enero 31 o ngayong araw ang huling broadcast ng nasabing TV stations matapos ang ilan taon nitong pagsasahimpapawid.
Sinabi ni Gutierrez na malaki ang naging ambag ng CNN Philippines sa paghahatid ng mga balita at impormasyon na napakinabangan ng kanilang mga manonood.
Umaasa si Gutierrez na bigyan ng management ng nararapat n kompensasyon ang mga napektuhang empleyado.
Dahil huling araw na ngayon ng broadcast operation ng CNN Philippines, nagbigay pugay ang Presidential Task Force on Media Security sa mga talented news anchors, field reporters, correspondents at mga staff na nagbigay ng kanilang kontribusyon para sa naabot na tagumpay nito sa paghahatid ng mga Balita bilang isang world class media company. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)