Home NATIONWIDE Pagsuporta ng mga Pinoy sa matatag na paninindigan sa WPS, ikinatuwa ng...

Pagsuporta ng mga Pinoy sa matatag na paninindigan sa WPS, ikinatuwa ng AFP

46
0

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines ang resulta ng isang survey na nagpapakita ng malakas na suporta ng publiko sa mas agresibong paninindigan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay AFP spokesperson for WPS retired admiral Roy Vincent Trinidad, ang resulta ng OCTA Research Tugon ng Masa survey ay patunay umano ng nagkakaisang paninindigan ng mga Pilipino sa isyu.

Sa survey na kinomisyon ng AFP at isinagawa mula Marso 19 hanggang 25, lumabas na 69% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa mas pinatinding naval patrol at presensya ng militar sa WPS.

Sumunod dito ang 66% na pabor sa mapayapang diplomasya, at 64% na sumusuporta sa modernisasyon ng militar upang palakasin ang depensa ng teritoryo.

Mas mababa naman ang suporta sa iba pang opsyon tulad ng pinalawak na diplomatic outreach (37%), joint patrols kasama ang ibang bansa (29%), at joint economic cooperation sa gitna ng alitan (23%).

Ayon sa survey, 72% ng mga Pilipino ang may kamalayan sa isyu ng WPS, na mas mataas sa Metro Manila at Visayas.

Sinabi ng AFP na ang resulta ay umaayon sa kanilang mandato na protektahan ang exclusive economic zone (EEZ) ng bansa, panatilihin ang presensya sa karagatan, at tulungan ang mga mangingisdang Pilipino sa mga apektadong lugar.

Binigyang-diin ng militar na mananatili silang matatag sa pagdepensa ng soberanya ng bansa at pagtutol sa anumang agresibong hakbang sa maritime domain. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here