Home NATIONWIDE Safety, quality standards sa school, office supplies, pinalalakas ng DTI

Safety, quality standards sa school, office supplies, pinalalakas ng DTI

38
0

MANILA, Philippines – Pinalalakas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapatupad ng Philippine National Standards (PNS) para sa mga gamit sa eskwela at opisina na araw-araw ginagamit ng milyun-milyong Pilipino.

Ayon sa DTI, bawat produkto ay may nakatakdang technical standard na nagtatakda ng minimum requirements sa kaligtasan, tibay, performance, labeling, at kalidad upang matiyak ang pagiging angkop nito sa mga konsyumer.

Sinabi ni DTI Bureau of Philippine Standards Assistant Division Chief Myra Magabilin na layunin ng mga pamantayan na matiyak na ang mga karaniwang gamit sa paaralan, opisina, at bahay ay ligtas, maaasahan, at de-kalidad.

Paliwanag niya, hindi awtomatikong sakop ng mandatory regulation ang lahat ng produkto at may proseso pa bago ito maipataw, kabilang ang pag-aaral at risk assessment.

Saklaw ng PNS ang iba’t ibang school at office supplies tulad ng writing instruments (lapis, bolpen, markers), paper products (bond paper, notebooks), art materials (crayons, watercolor), correction materials, adhesives, fasteners, cutting tools, at measuring tools.

Kasama rin sa standards ang mahigpit na limitasyon sa mga kemikal na maaaring makasama gaya ng lead, mercury, arsenic, cadmium, at chromium sa ilang produkto.

Ayon sa DTI, ang PNS ay hindi rating system kundi gabay o technical blueprint para matiyak ang kaligtasan at kalidad ng mga produkto.

Hinikayat din ng ahensya ang publiko na basahin ang labels, sumunod sa instructions, at bumili lamang sa mga lehitimong tindahan lalo na ngayong papalapit ang back-to-school season. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here