MANILA, Philippines – Inihayag ni newly elected Senate Blue Ribbon Committee Chair Erwin Tulfo na inilipat sa Lunes, Hunyo 8 ang imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Tulfo, nakatakda sana ang pagdinig sa Huwebes, Hunyo 4 sa ilalim ng pamumuno ni Sen. Pia Cayetano, ngunit hindi ito natuloy dahil sa mga pagbabago sa liderato ng komite.
Sa parehong araw, bakante na rin ang pamumuno ng ilang komite kasunod ng panibagong pagbabago sa Senado, na nagdulot ng pagkaantala sa mga nakatakdang pagdinig.
Patuloy na inaayos ng Senado ang iskedyul ng imbestigasyon habang hinihintay ang pagpapatuloy ng mga pagdinig sa isyu ng flood control anomalies. RNT/MND