MANILA, Philippines – Sinabi ng Malacañang nitong Huwebes na hindi maaapektuhan ang pamamahala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kabila ng anunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siya sa pagkapangulo sa halalang pambansa sa 2028.
Ito ang iginiit ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa isang press briefing, kung saan itinanggi niya na magkakaroon ng epekto sa trabaho at pamamahala ng administrasyon.
“Wala, hindi maaapektuhan… (It won’t be affected),” ayon kay Castro.
Dagdag pa niya, hindi rin umano nakagugulat ang posibleng pagtakbo ni Duterte sa darating na presidential elections. RNT