Home NATIONWIDE Pagtalaga sa bagong PSC chief binawi ni PBBM

Pagtalaga sa bagong PSC chief binawi ni PBBM

MANILA, Philippines – Tinanggal ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Maj. Gen. Jesus Nelson Morales bilang pinuno ng Presidential Security Command (PSC), ayon sa anunsyo ng Malacañang nitong Martes.

Kinumpirma ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na epektibo ang pagkalas kay Morales sa parehong araw, at itinalaga si Brig. Gen. Peter Burgonio bilang pansamantalang PSC commander.

Nagsilbi si Morales bilang PSC chief mula noong 2023, habang si Burgonio ay dating pinuno ng Philippine Army’s Intelligence Regiment.

Ang PSC, na dating kilala bilang Presidential Security Group, ay bahagi ng Armed Forces of the Philippines na responsable sa pagbibigay-proteksyon sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, at kanilang mga pamilya.

Nagbibigay din ito ng honor guard para sa mga dayuhang dignitaryo at kasama ang Pangulo sa lokal at internasyonal na biyahe. RNT