MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang naka-schedule na power interruptions sa Metro Manila, Calabarzon, at Bulacan mula Marso 5 hanggang 10 dahil sa isasagawang maintenance activities.
Sa Marso 5 at 6, sapul ng power interruption ang Barangay Punturin sa Valenzuela at ilang lugar sa Batangas City dahil sa maintenance work.
Sapul din ng brownout sa parehong mga araw ang San Pascual sa Batangas, Binondo sa San Nicolas, Tondo, Nangka sa Marikina City, Bagong Pag-asa sa Quezon City, at Dasmariñas sa Cavite.
Sa Marso 7, ang Lower Bicutan at Signal Village saTaguig ay sasailalim sa maintenance work. Ganoon din sa Dagat-Dagatan sa Navotas at Malabon.
Apektado ang Valenzuela, Batangas City, Marikina, Quezon City, at Cavite sa Marso 5 at 6.
Mawawalan din ng kuryente ang Taguig, Navotas, at Malabon sa Marso 7.
Magkakaroon ng power interruption sa Mall of Asia Complex sa Pasay, pati na sa Meycauayan at Marilao sa Bulacan sa Marso 7 at 9.
Apektado rin ang Bacoor sa Cavite at Cainta sa Rizal sa Marso 8, habang maaapektuhan ang Cabuyao sa Laguna sa Marso 9 at 10.
Ayon sa Meralco, ang power interruptions ay dulot ng pagpapalit ng kagamitan, pagdaragdag ng lighting protection, line reconductoring, pag-install ng poste, at pag-relocate ng ilang pasilidad. Santi Celario