Home HOME BANNER STORY Pagtanggap ng P3K para sumama sa rally itinanggi ng mga miyembro ng...

Pagtanggap ng P3K para sumama sa rally itinanggi ng mga miyembro ng INC

379
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) ang balitang tumanggap umano ang ilang miyembro nito ng P3,000 para dumalo sa anti-corruption rally nitong Linggo, Nobyembre 16.

Sa video compilation, pinagsama-sama ang mga pahayag ng mga lumahok sa kilos-protesta na hindi sila nakatanggap ng anumang kabayaran.

Hindi naman tinukoy sa video ang pangalan ng mga miyembrong nagsalita.

“Walang pong bayad sa amin dito,” ayon sa isa sa mga lumahok sa kilos-protesta.

“Ang dami pong kapatid na Iglesia Ni Cristo na nandito po ngayon. Tapos, P3,000 per head? Nagpapatawa po kayo. Sabi nga ng ibang kapatid dito, baka kami po ang magbigay sa inyo ng P3,000,” ayon naman sa isa.

Ito ay kasunod ng mga post sa social media na nagsasabing ang mga attendee sa INC rally ay binayaran ng P3,000.

Nagsimula nitong Linggo ang tatlong araw na rally sa Quirino Grandstand para ipanawagan ang accountability at transparency sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Sa unang araw ng kilos-protesta ay umabot sa 650,000 katao ang mga lumahok dito.

Tinawag naman ng Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police ang unang araw bilang “generally peaceful.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here