Home NATIONWIDE Pagtataas ng alert level sa ilang lugar sa Israel pinag-iisipan ng Pinas

Pagtataas ng alert level sa ilang lugar sa Israel pinag-iisipan ng Pinas

MANILA, Philippines – PINAG-IISIPAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) na itaas ang alert level sa ilang lugar sa Isarel na kasalukuyang nahaharap sa giyera sa Hamas.

“Maaari sigurong gawin by level, by area. Doon Alert Level 3, doon Alert Level 2 after the discussion with the President,” ayon kay Undersecretary Eduardo De Vega.

Sa ngayon, nasa Alert Level 2 ng DFA ang Israel.

Wala pa ring napauuwi sa Pilipinas subalit wala namang deployment ng mga bagong tanggap o hire na mga manggagawang Filipino.

Ang Alert Level 3 ay nangangailangan na ng voluntary repatriation.

Sa ulat, may mga pinoy workers na ang nagsasabi na nagsisimula nang maapektuhan ang kanilang mental health dahil sa tunog pa lamang ng sirena ay kinakabahan na sila at natatakot.

Samantala, may ilang OFWs naman sa Gaza ang napaulat na nagtungo na sa Rafah Border Crossing sa pag-asang payagan silang makapasok sa Egypt. Kris Jose