Home NATIONWIDE Pinas isa sa mga bansang may pinakamataas na self-reported loneliness – sarbey

Pinas isa sa mga bansang may pinakamataas na self-reported loneliness – sarbey

MANILA, Philippines – ISA ang Pilipinas sa mga bansang may mataas na antas ng Self -Reported Loneliness.

Base sa survey na isinagawa ng Meta and Gallup sa mahigit 140 bansa, lumalabas na kasama ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na antas ng Self -Reported Loneliness.

Tinatayang 57% ng mga pinoy ang nagsabi na sila’y nalulungkot. Halos anim mula sa 10 pinoy sa bansa ang nakararanas ng pagkalungkot.

Bukod sa Pilipinas, ang mga bansang kasama sa “highest levels of self-reported loneliness” ay ang Lesotho, 58%; Uganda, 53%; Botswana, 50%; Afghanistan,50% at Global 24% (ang Global ay may 1 mula sa 4 na tao ang nagpahayag na sila’y nalulungkot).

Ayon sa mga eksperto, malaki ang kinalaman sa kakulangan ng koneksyon sa kapwa kaya nakararanas ng pagkalungkot ang isang tao.

“Ang isang tao dapat ay socially connected, hindi lang sa sarili niya, kung di’ connected din siya sa ibang tao, friends, family members diba, kasa sa trabaho, because social connectedness with others is also a form of support para sa kaniya,” ayon kay Psychologist/ Relational Life Coach Lillian Ng Gui sa panayam ng 24 Oras.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kilala ang mga filipino sa pagiging masayahin.

“Huwag nating kalimutan, we just came out from COVID and COVID changes behaviors and personality ng isang tao,” ayon pa rin kay Gui.

Sinabi pa nito na mas magandang senyales na umaamin ang isang tao na malungkot sila.

“Tayong mga filipino, magaling tayo, we don’t show. Ayaw natin ipakita, kaya ko ito eh.. but the number one thing is to acknowledge and validate your feelings of loneliness,” aniya pa rin.

Kaya nga, kung makararamdam ng kalungkutan ay kagyat na lumabas ng bahay. Pumunta sa mga park.

“Pumunta ka sa places you’d like to go to … and always talk to people who are positive and open-minded,” ang wika ni Gui.

“Always remember, ang mga nakakausap nating tao ‘di natin alam kung may pinagdadaanan or wala, kaya kindness should start always from us,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose

Previous articlePagtataas ng alert level sa ilang lugar sa Israel pinag-iisipan ng Pinas
Next articlePH envoy makikipagpulong sa Israeli prexy: Safe exit ng mga Pinoy sa Gaza ihihirit