Home NATIONWIDE PH envoy makikipagpulong sa Israeli prexy: Safe exit ng mga Pinoy sa...

PH envoy makikipagpulong sa Israeli prexy: Safe exit ng mga Pinoy sa Gaza ihihirit

MANILA, Philippines – NAKATAKANG makapulong ng Philippine Ambassador to Israel si Israeli President Isaac Herzog.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na inaasahan na ididiga ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. ang kahilingan para makalabas ang mga filipino mula Gaza.

“[Ambassador Pedro Laylo Jr.] is meeting today…with the Israeli president. So we will also inform the president of our relations and our hope that, in a way, they are obligated to give us priority, they owe us this. I hope they take it that way,” ayon kay de Vega.

“It’s just a call, a traditional call of an ambassador. But of course, dahil nangyari ‘to (Israel-Hamas war), we are going to mention the situation of the welfare of Filipinos in Gaza. Of course, Filipinos are being hailed for being heroic…may mga namatay tayo dahil ayaw iwanan yung mga amo,” dagdag na wika nito.
Sa ulat, ang pang-apat na batch ng mga Filipino na nakauwi na mula Israel ay dumating noong Oktubre 30 sa Pilipinas. Dalawang filipinong doktor ang kasama sa first foreigners na pinayagan na tumawid ng Rafah border. Kasalukuyang nasa Egypt ang mga ito.

Ang panibagong batch ng 45 Filipino mula Israel ay darating sa Pilipinas sa Nobyembre 6, ayon kay De Vega.

Winika ni de Vega na nagbigay na sila sa mga awtoridad ng kompletong data ng mga filipino na nais na umalis ng Israel.
Bahala na aniya ang mga awtoridad na magdesisyon kung sino ang papayagan nito na tumawid sa border.

Samanala, wala namang kumpirmasyon na may mga filipino ang kasalukuyang bihag ng Hamas.

“We are under the assumption that they are actually hostages, but there is no confirmation because Hamas is not confirming anything. Hindi nila in-identify yung mga hostages nila,” ayon kay De Vega. Kris Jose