Home NATIONWIDE Pagtatalaga ng militar, pulis para sa Aug. 31 Caloocan plebiscite oks kay...

Pagtatalaga ng militar, pulis para sa Aug. 31 Caloocan plebiscite oks kay PBBM

MANILA, Philippines- Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes ang deployment ng military at police officers para sa plebisito sa Caloocan City sa Agosto 31.

Sa ilalim ng Memorandum Order No. 31 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Agosto 27, pumayag si Marcos sa hiling ng Commission on Elections (Comelec) na magtalaga ng mga sundalo at pulis sa Caloocan City para sa plebisito sa pagratipika ng paghahati ng Barangay Bagong Silang sa anim na magkakahiwalay na barangay.

“Now, therefore, I, Ferdinand Marcos, Jr., President of the Philippines, … hereby concur with the Comelec’s deputation of the Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, and other law enforcement agencies and instrumentalities of the government in connection with the 31 August 2024 plebiscite to ratify the division of Barangay Bagong Silang in the City of Caloocan into six separate and independent barangays,” saad sa kautusan.

Inatasan ni Marcos ang law enforcement agencies at iba pang kaukulang ahensya na makipag-ugnayan sa Comelec.

Batay sa Section 17, Article VII ng 1987 Constitution, maaaring magtagalaga ang Comelec ng military at police officers upang matiyak ang mapayapang eleksyon, alinsunod sa pagpayag ng Pangulo. RNT/SA