MANILA, Philippines- Nais paimbestigahan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagbasura sa kontrata ng pamahalaan sa pagsu-suplay ng national ID cards na hindi nakatutugon sa pangangailangan ng mamamayan.
Sinabi ni Pimentel na kung magsasagawa ng imbestigasyon ang Kongreso sa naturang isyu, malamang na ihain din nito ang resolusyon para sa isang Senate inquiry.
“Mukhang magkakaroon na naman ng further delay sa making and delivery of the national IDs,” ayon sa senador.
“Dapat imbestigahan yan ng Senado,” giit niya.
Reaksyon ito ni Pimentel sa desisyon ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tapusin ang kontrata sa AllCard Inc. (ACI).
Nakatakda sa termination notice na may petsang Agosto 15, na nabigo ang ACI na ihatid ang obligasyon na nakatakda sa kasunduan.
Sa partikular, sinabi ng notice, ayon kay Pimentel na: “the Board cited the company’s failure to deliver any or all of the goods specified in the contract, amounting to more than 10 percent of the contract price.”
Inilatag din, ayon kay Pimentel, ng MB ang iba pang obligasyon na nabigong tuparin ng kompanya kabilang ang mga sumusunod:
“ACI failed/refused to comply with valid instructions
ACI failed to timely provide a comprehensive and realistic catch-up plan.
ACI effectively abandoned the Contract
ACI incurred almost seven percent (7 percent) wastage, which grossly exceeded the one percent (1%)maximum allowable maximum wastage
The supplier’s explanation on the issues raised against it was also provided in the termination notice.”