Home NATIONWIDE Pagtestigo ni Alcantara sa malversation case sa OrMin flood control projects, tinutulan

Pagtestigo ni Alcantara sa malversation case sa OrMin flood control projects, tinutulan

101
0

MANILA, Philippines – Tumanggi ang mga abogado ng mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)–Mimaropa na i-cross examine ang state witness na si Henry Alcantara kaugnay sa malversation case kaugnay sa road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro na simbolo ng kanilang pagtutol sa kanyang testimonya.

Iginiit ng depensa na ang judicial affidavit ni Alcantara ay irrelevant at immaterial sa kaso.

Ayon sa counsel ni dating Regional Director Gerald Pacanan, na inakusahan sa kaso, kulang umano sa kaalaman o kompetensiya si Alcantara para tumestigo sa usapin ng proyekto ng DPWH sa Mimaropa.

Tinanggap naman ng korte naman na pinangungunahan ni Associate Justice Sarah Fernandez, ang testimonya ni Alcantara sa pagsasabing kailangan ikonsidera ang totality ng kaso.

Iginiit ng prosekusyon na si Alcantara ay hindi ipinipresenta sa kanyang official capacity bilang DPWH Bulacan First District engineer ngunit para tumestigo sa umano’y usapan sa pagitan ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Prosecutors sa pagsasabing ang mga palitang ito ay nagpapakita na si Co ay nananatiling “engaged in construction business” despite claiming he had divested from Sunwest Inc.

“Nung nag-meet sila, Zaldy Co wanted to enter as a contractor in Bulacan projects. So that’s why we know at that time, he was already engaged in the construction business… in 2019, and then after that, palagi na sila nagkikita,” sinabi ng prosecutor.

Sinabi ng prosekusyon na hindi kasama sa judicial affidavit ni Alcantara ang pahayag na si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ay nakatanggap ng milyon-milyong pisong balato mula kay Co sa pamamagitan niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here