Home NATIONWIDE Pahayag ni VP Sara sa pagtugon sa krisis sa Middle East, walang...

Pahayag ni VP Sara sa pagtugon sa krisis sa Middle East, walang malinaw na basehan – Malakanyang

170
0

MANILA, Philippines – WALANG basehan kung ilarawan ng Malakanyang ang kamakailan lamang na komento ni Vice-President Sara Duterte ukol sa repatriation process na dapat umanong isagawa ng gobyerno para mapauwi ang ilang Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan.

Sinabi kasi ni VP Sara sa panayam sa kanya ng programang “Ibalik ang Tapang at Malasakit na ”Napakadaling magpadala ng eroplano e, sa totoo lang. Alam n’yo ba noong COVID na panahon, madami ang na-stranded na mga taga-Davao City dito sa Manila. Napakadali. Nangontrata kami ng commercial airline… Ilang beses naming ginawa ‘yon.”

Ang buweltang tugon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa sinabi ni VP Sara, ito aniya problema sa mga hindi nag-aaral at hindi nag-iisip.

“Unang-una po siguro, ‘yan ang problema po sa mga hindi nag-aaral at hindi nag-iisip at hindi inaalam po ano talaga ang programa ng gobyernong ito,” ang sinabi ni Castro.

“So, mas maganda po talaga, ang isang lider natin ay marunong mag-isip, marunong mag-desisyon, hindi para sa sarili lamang, kundi para sa buong bayan,” aniya pa rin.

Tila ipinamukha rin ni Castro kay VP Sara na ang desisyon ng gobyerno ay base sa “facts, overall circumstances, at pangangailangan ng mga stakeholders, sa halip na isolated anecdotes o personal accounts.”

Ang umasa lamang aniya sa karanasan ng kaibigan o social media reports ay maaaring mauwi sa marupok na decision-making.

“Dahil kung diyan po mangagaling ang iyong desisyon, malamang lumigwak, lumigwak ang buong Pilipinas kung puro kaibigan, puro tsismis lang po ang ating pagbabasehan ng desisyon,” ang winika ni Castro. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here