Home NATIONWIDE Pakikipag-usap sa Vietnam, India sa pag-aangkat ng 300-500K MT ng bigas, binuksan...

Pakikipag-usap sa Vietnam, India sa pag-aangkat ng 300-500K MT ng bigas, binuksan ng Pinas

MANILA, Philippines- Binuksan ng Pilipinas ang pakikipag-usap sa Vietnam at India para sa pag-aangkat ng daan-libong tonelada ng bigas upang dagdagan ang suplay at bumaba ang presyo nito, ayon sa opisyal ng Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes.

Inihayag ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban na binuksan ng DA ang pakikipag-usap sah Vietnam at India “upon the directive of President Ferdinand Marcos Jr.”

Si Marcos ang kasalukuyang kalihim ng Agrikultura.

Bilang resulta ng patuloy na pag-uusap, sinabi ni Panganiban, “some Vietnamese exporters have quoted our private traders $30-$40 lower since our [last] meeting in Malacañang.”

“The DA will also work with the government of India to allow imports on humanitarian grounds,” ayon pa sa DA official.

Sinabi ng Agriculture executive na ang pag-uusap “will hopefully pave the way for the country to get better terms for the additional 300,000 to 500,000 metric tons of rice importation for this year.”

Niotng buwan, inihayag ni DA Undersecretary Mercedita Sombilla na sinisilip ng ahensya na mag-angkat ng 1.3 milyong tonelada ng bigas.

Ani Panganiban, makatutulong ito sa pagpapababa ng presyo ng bigas “as it will further beef up our national inventory.”

Kahit walanhg importasyon, sinabi niya na inaasahang tatagal ang national rice inventory sa loob ng 52 hanggang 57 araw sa pagtatapos ng 2023.

Matatandaang tiniyak ni Marcos sa mga Pilipino na may sapat na suplay ng bigas ang DA sa kabila ng agricultural damage na iniwan ni super typhoon Egay sa Northern Luzon at ng El Niño phenomenon.

Kamakailan ay nakipagpulong ang Pangulo sa agricultural officials at traders sa Malacañan Palace kung saan tinalakay ang mga rekomendasyon upang tugunan ang mga isyu sa suplay ng bigas sa bansa. RNT/SA