MANILA, Philippines – HINDI na nagtaka pa ang Malakanyang sa naging pahayag ni Senado Imee Marcos na may ‘group effort’ mula sa administrasyon para arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Nakatakda kasing ilabas ni Imee Marcos, bukas, Abril 29 ang pinal na resulta ng kaniyang imbestigasyon ukol sa kontrobersiyal na pag-aresto kay Duterte na nahaharap sa kasong crimes against humanity at kasalukuyang nakakulong sa The Hague Penitentiary Institution.
Sinabi pa rin ng senadora na may planadong hakbang para pabagsakin ang mga Duterte at hindi alinsunod ang pagkakaaresto sa dating Pangulo sa batas ng Pilipinas.
“Hindi na po siguro kataka-taka kung ganiyan po ang kaniyang magiging panuran, ang kaniyang opinion. Bago pa naman po siguro nag-hearing ay makikita na po natin kung saan ba ang gawi ni Senator Imee Marcos,” aniya pa rin.
Samantala, pinabulaanan naman ni Castro ang opinyon ni Imee Marcos.
“Pero karagdagan: Of course, ang Palasyo dini-deny kung anuman ang kaniyang opinyon,” anito. Kris Jose