Home NATIONWIDE Palasyo nagkomento sa pagharap ni Digong sa ICC hearing

Palasyo nagkomento sa pagharap ni Digong sa ICC hearing

1
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na nasa magandang kondisyon si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte nang sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakita sa International Criminal Court (ICC) status conference.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang pagpapakita ni Digong Duterte ay malinaw pagpapakita na tanggap na nito ang pagpapatuloy ng ICC proceedings sa crimes against humanity charges na may kinalaman sa campaign against illegal drugs sa Pilipinas sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Unang-una sa mga kababayan natin, nakita naman po natin na maganda naman po ang kalagayan ng ating dating Pangulo na si dating Pangulong Duterte,” ayon kay Castro.

“At nakita naman namin na mukhang accepted naman niya po na magtuloy-tuloy ang hearing sa ICC,” aniya pa rin.

Si Digong Duterte, nakasuot ng itim na suit at puting polo, dumalo sa third status conference ng ICC Trial Chamber III ukol sa crimes against humanity charges na may kinalaman sa campaign against illegal drugs ng kanyang administrasyon.

Si Digong Duterte ang kauna-unahang Asian former head of state na humarap sa paglilitis sa ICC.

Huling nakita ang dating Pangulo noong March 2025, kung saan siya inaresto ng mga awtoridad ng Pilipinas at sa kalaunan sumuko sa ICC sa The Hague, Netherlands. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here