Home NATIONWIDE Pamahalaan humiram ng P34B sa pagbabayad ng military, uniformed personnel pension noong...

Pamahalaan humiram ng P34B sa pagbabayad ng military, uniformed personnel pension noong 2020

MANILA, Philippines – Idinipensa ng Department of Finance (DOF) nitong Lunes, Setyembre 4, ang pagsusulong nito sa reporma sa pension system para sa military and uniformed personnel (MUP), sa pagsasabing kinailangan pang mangutang ng pamahalaan para lamang pondohan ang badyet sa retirement fund.

“In 2020, we already have arrears in the neighborhood of ₱34 billion pambayad lang ng pension at ang nangyayari is that nade-delay ang pagbayad ng pension (only for the payment of pension and what happens is that the payment of pension gets delayed),” pahayag ni DOF Undersecretary Alu Tiuseco sa panayam ng CNN Philippines.

Sinabi rin nito na mula noong 2018, mas malaki ang badyet na inilalaan sa pensions kaysa sa pangangailangan ng mga nasa serbisyo.

Ibinabala ni Tiuseco na, “If we do not do any refunds right now, if it’s status quo, our unfunded liabilities could reach ₱14 trillion.”

Matatandaang inaprubahan noong Agosto ng Kamara ang panukalang naglalayong baguhin ang MUP pension para masolusyunan ang tumataas na gastos kaugnay nito.

Sa ilalim ng panukala ng DOF, ang mga new entrant ay magbibigay ng 9% na kontribusyon batay sa monthly base at longevity pay nito para sa pension fund.

Ang aktibong mga tauhan naman ay magbibigay din ng karagdagang kontribusyon, ngunit ipatutupad ito “in a staggered way.”

“This is not an exaction…this is really for you. We save now so that the government can save with you and pagdating ng pension mo or magreretiro ka may pagkukunan ng pension mo,” ani Tiuseco.

Ipinapanukala rin ng DOF ang pag-aalis ng full indexation sa mga magreretiro.

Ipinaliwanag niya na ang indexation ng MUP ay kung saan ang pension ng retiree ay awtomatikong ina-adjust sa mga sahod nito para sa mga nasa aktibong serbisyo.

Nangangahulugan ito na, “for every increase in the salary of those in the active service, automatically the pension will also increase by the same rate,” dagdag niya.

Iginiit naman ng DOF na ang MUP pension ay mananatiling “most generous” pension system sa bansa.

Ang nais lamang ng kagawaran ay “to unbundle the payment for active service and for those retired” na magbibigay-daan sa government fiscal space na taasan ang sahod o tulong para sa mga nasa serbisyo.

“There will still be an adjustment of 1.5% increase in pension depending on the realities of price increase as well as the fiscal situation or economic conditions of the country,” aniya. RNT/JGC