MANILA, Philippines – HINDI dapat na maging kampante ang gobyerno ng Pilipinas pagdating sa siguruhin ang malakas na ‘economic position’ para ngayong taon, 2025.
Sa naging pulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes, Hunyo 6 sa mga economic manager kung saan napagkayarian na ang Pilipinas ay “entering 2025 in a stronger position than at this time last year.”
Gayunman binigyang diin ng Pangulo na hindi dapat maging opsyon ang pagiging kampante lalo pa’t patuloy ang ‘upside risks’ sa inflation.
“It’s always good to be prepared,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa nasabing miting.
Bukod dito inaasahan din ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa ‘supply-side factors’ gaya ng geopolitical tensions at masamang kondisyon ng panahon.
Samantala, sinabi naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr. na nakikita na ng bansa ang bunga ng kanilang pagsisikap “in bringing down inflation within the government’s target range of 2 to 4%.”
Winika pa ni Remolona na ang pagbaba ang nagbigay ng pahintulot sa BSP na simulan ng bawasan ang policy rate nito kung saan hinati sa tatlong beses noong nakaraang taon sa pamamagitan ng ’75 basis points.’
Nangako naman ang BSP na patuloy na pagtutuunan ng pansin ang pagpapanatili sa price stability na makatutulong sa isang balanse at napapanatiling paglago ng ekonomiya at trabaho. Kris Jose