MANILA, Philippines – SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang taunang pamamahagi ng NavoPasko hams sa bawat pamilyang Navoteño.
May 84,598 hams ang ibibigay sa mga pamilyang Navoteño na naninirahan sa lungsod hanggang Disyembre 21, 2024, bilang bahagi ng pangako ng lungsod sa pagpapalaganap ng saya at holiday cheer ngayong Kapaskuhan.