Home NATIONWIDE Pambubully ng China, kinastigo ni Zubiri

Pambubully ng China, kinastigo ni Zubiri

MANILA, Philippines – Matinding kinastigo ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang panibagong insidente ng pambubully ng China a West Philippine Sea (WPS) na lubhang taliwas na ipinopostura ng Beijing sa pakikipagkaibigan.

Sa pahayag, sinabi ni Zubiri na isa sa nagsulong sa pagkondena sa China sa patuloy na paglusob nito sa loob ng teritoryo ng Pilipinas, na isang manipestasyon ito ng “might vs right.”

“This is yet again a manifestation of its “might vs. right” treatment of its peaceful neighbors,” giit ng senador.

Sinabi ni Zubiri na ipinakikita ng pagkilos ng China ang dalawang mukha nito sa international community na naghahandog ng pagkakasundo-sundo pero nanggigipit sa kapitbahay.

“By its actions, it shows diplomatic duplicity, of preaching about amity, but practicing hostile behavior,” aniya.

“Gusto naming makipagkaibigan, pero bakit China ang hirap mong mahalin?,” paliwanag pa ni Zubiri.

Aniya, pinagtibay ng insidente ang merito ng resolusyon ng Senado na ipinasa kamakailan.

“Because China contemptuously ignore protests, all the more that we have to rally the world to condemn acts which have no place in a civilized order,” ayon sa lider ng Senado. Ernie Reyes