Home HOME BANNER STORY Pamilya Duterte banta sa demokrasya ng Pilipinas – Trillanes

Pamilya Duterte banta sa demokrasya ng Pilipinas – Trillanes

86
0

MANILA, Philippines – Tinawag ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang mga Duterte na “existential threat to our democracy,” at sinabing hindi pa tapos ang kanyang misyon na pigilan ang pamilya na magkaroon ulit ng kapangyarihan.

Ang pahayag na ito ni Trillanes ay kasunod ng anunsyo ng International Criminal Court na maaari nang litisin ang crimes against humanity case laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, at ang posible ring paglilitis sa Senado sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Nang tanungin kung ang mga pangyayaring ito ay vindication, sinabi ni Trillanes na “I’m looking at all of this as a mission. We have identified the Duterte family as an existential threat to our democracy.”

“And that’s why we’re pursuing this, and we’re not done yet. We’re just midway through that mission and we will see this through,” sinabi pa ng dating senador.

Si Trillanes ang isa sa mga personalidad na nagsuplong kay Duterte sa ICC sa kanyang madugong war on drugs.

“While you can say Mr. Duterte is mission accomplished, but no it’s not, the trial has yet to start. So we are still helping out in the process,” ayon kay Trillanes.

“Maaaring ako lang yung naging mukha pero there is a huge support system sa likod nito,” dagdag pa niya.

Samantala, nang tanungin naman kung ang pag-usad ng mga kaso laban kay Sara at ama nito ay simula ng kanilang pagbagsak, sinabi ni Trillanes na, “I certainly hope so.”

“Maaaring yung kay Digong gumugulong ngayon, pero yung kay Sara andirito pa tayo, we’re in the middle of that fight.”

“And remember, the Duterte family bata pa itong mga ito, so even if assuming they won’t win in 2028, they will still be eligible sa 2034, and 2040 and down the road, so kailangan eternal vigilance dito, perpetual vigilance kasi the Duterte family ang motivating force nila is vindictiveness, vengeance. Kaya kailangan nating magbantay,” pagtatapos ni Trillanes. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here