MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto sa bansa ang easterlies at localized thunderstorm ngayong Sabado, Abril 25.
Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, at Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm dahil sa easterlies.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC