Home ENTERTAINMENT Pamilya ni Xian, may death threat?

Pamilya ni Xian, may death threat?

Manila, Philippines – Tila hindi pa naka-move-on ang actor na si Xian Lim sa hiwaayan nila ng actress at It’s Showtime host na si Kim Chiu.

Matagal na ring hiwalay si Kim sa longtime boyfriend na si Xian, noon pang December 2023.

Kamakailan lang, nagsalita si Xian na may natatanggap siyang pagbabanta o death threat sa kanyang pamilya mula sa mga supporters ni Kim.

Bagama’t tikom pa rin ang bibig ni Kim at hindi nagbibigay ng pahayag, pinalagan naman ng actress ang paminsan-minsang pagbibigay ng pahayag ni Xian ukol sa kanilang naging hiwalayan.

Halos anim na buwang hindi nagsalita si Kim tungkol sa hiwalayan nila ni Xian.

Tila ay napuno na si Kim sa pagsalita ni Xian tungkol sa kanilang natapos na relasyon.

Sabi ni Kim, “Entering 2024, sabi ko talaga, I just want a fresh start, new beginning, and I don’t want to dwell sa past. Parang yung post ko nung December, sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito.

“Pero parang ang dami pa rin. Parang hindi naman siya mapag-uusapan kung no one’s lighting the fire.”

Mutual decision ang naging hiwalayan nina Kim at Xian. Ito ay matapos ang labindalawang taon nilang relasyon.

Sa ngayon, umaasa si Kim na tigilan na ni Xian ang pagbibigay ng anumang pahayag ukol sa kanilang breakup.

Aniya, “It ended, the journey was beautiful. Ayaw ko nang maging masama yung loob ko.

“Kasi paulit-ulit na lang. Let’s give it a rest ! Let’s leave respect to each other.”

Ngayo’y may chika na ang kalabtim ni Kim sa “What’s Wrong with Secretary Kim” na si Paulo Avelino ang pumoporma sa actress-host samantalang ang ex na si Xian ay may bago nang girlfriend sa katauhan ng movie producer na si Iris Lee. Ador Saluta