Home METRO Pamimigay ng campaign materials sa special elections sa Antipolo, iimbestigahan ng Comelec

Pamimigay ng campaign materials sa special elections sa Antipolo, iimbestigahan ng Comelec

140
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) noong Sabado na iimbestigahan nila ang mga insidente ng umano’y pamimigay ng campaign materials sa special elections para sa 2nd congressional district ng Antipolo.

Ayon sa ulat, may mga maliliit na papel na may pangalan ng kandidato na nakakalat sa isang paaralan. Isang volunteer ang nagsabing may isang indibidwal na namimigay ng mga ito sa labas ng paaralan.

Isang post sa social media naman ang nag-ulat ng umano’y “malawakang” paglabag sa eleksyon mula sa kampo ng kandidato, kung saan ang mga poll watcher ay may suot na ID na may pangalan ng kandidato, na ipinagbabawal umano sa loob ng polling precinct.

“We intend to file cases,” ani Comelec Chairman George Garcia sa press conference.

“Yung kaso na yun ipapaubaya namin sa election officer… definitely yung law department namin will be accepting itong mga complaints na yan,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Garcia na susuriin nila ang lawak ng irregularidad at kung ito ay “substantial,” may kapangyarihan ang Comelec na hindi iproklama o disqualify ang kandidato hanggang sa siya ay maka-assume ng office.

Ayon kay Garcia, dapat isama ang mga reklamo at insidente sa minutes ng electoral board bilang ebidensya.

“Kung may reklamo kayo sa proseso at doon sa pagboto, laging minutes o voting ang importante sapagkat ang minutes nasa loob ng ballot box at may kopya ang main office ng Comelec. Diyan namin babase ang alleged irregularity,” dagdag niya.

Natapos ang botohan para sa susunod na House representative ng 2nd District ng Antipolo alas-3 ng hapon, at nakatakdang mag-convene ang district board of canvassers alas-6 ng gabi para sa manual counting. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here