MANILA, Philippines – Nagpalabas ng show cause order ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) laban sa isang pampasanerong bus at UV express na nasangkot sa vehicular accident sa Quezon Avenue Tunnel Brgy. South Triangle, Quezon City kahapon ng umaga Mayo 14, 2025.
Ayon sa LTFRB pinagpapaliwanag ng ahensya ang may-ari ng Diamond V-Eight Inc. at ang driver nito na na pampasaherong bus (NBT-5417) at ang driver ng UV Express na may plakang AAP-6107.
Nabatid sa LTFRB pinagpapaliwanag ng ahensya ang may-ari ng Diamond V-Eight Inc. at ang driver nito na si Albert Nunez Gemina, 49 kung bakit hindi dapat suspindihin ang prangkisa nito sa naganap na vehicular accident at ang driver ng UV express.
Sinabi sa ulat ni PSSg. Jaime L Orpia Jr. investigator ng Quezon City Police District Traffic Enforcement Unit sa naganap ang insidente sa kahabaan ng Quezon Avenue Tunnel at Edsa Brgy. South Triangle, QC.
Ayon sa ulat ng pulisya, minamaneho ni Gemina ang kanyang IVECO Bus sa kahabaan ng Quezon Avenue galing sa Timog Avenue at patungo sa direksyon ng Elliptical Road nang masalpok ng bus ang likurang bahagi ng Isuzu XT Wagon na minamaneho ni Jobert Suarez Jason, 36 (AAP-6107) habang nakahinto sa naturang lugar.
Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay umusad sa unahan bahagi ang naturang wagon UV express at nasalpok naman nito ang kanang bahagi ng Yamaha NMAX motorcycle na minamaneho ni Pat. Jonathan Macawile Ida miyembro ng QC Masambong Police station 2.
Nasugatan sa naturang insidente sina Jeriel Sacnanal at Ryan Delos Santos at dalawang hindi pa nakikilala na agad naman isinugod sa pagamutan.
Ayon kay LTFRB spokersperson Atty. Ariel Inton, agad nagpalabas ng Show cause order ang LTFRB sa naturang pampasaherong bus at sa UV express na sangkot sa aksidente para magpaliwanag.
“Mabilis na inaksyunan ng LTFRB ang ang road accidente upang magpaliwanag ang mga sangkot na sasakyan,” ayon pa kay Atty. Inton. Santi Celario