Home NATIONWIDE Panawagan ni PBBM na mag-ipon ng tubig-ulan, praktikal – Gatchalian

Panawagan ni PBBM na mag-ipon ng tubig-ulan, praktikal – Gatchalian

3
0

MANILA, Philippines – Sinuportahan ni Senate President Sherwin Gatchalian nitong Martes ang payo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na bumili ng timba at mag-ipon ng tubig-ulan bilang paghahanda sa posibleng kakulangan ng tubig dulot ng inaasahang Super El Niño.

“He’s right. His suggestion is practical because of the El Niño phenomenon. It should be the rainy season now, but we’re seeing rain that comes only sporadically. So, it’s important that we be prepared,” ani Gatchalian sa panayam sa DZRH.

“His suggestion to buy buckets and prepare for possible water interruptions in various parts of the country is practical,” dagdag niya.

Tinanong si Gatchalian tungkol sa panawagan ni Marcos na maghanda ng mga timba at mag-ipon ng tubig-ulan. Sa panayam sa Singapore noong Linggo, tinalakay ng Pangulo ang mga hakbang ng pamahalaan upang harapin ang posibleng kakulangan ng tubig sa panahon ng Super El Niño.

Ayon kay Marcos, bahagi ng mga paalala sa publiko ang pag-iipon ng tubig-ulan. Hinimok niya ang mga Pilipino na bumili na ng timba upang makalikom ng mas maraming tubig kapag umulan.

Samantala, hindi direktang nagkomento si Vice President Sara Duterte sa pahayag ng Pangulo nang tanungin siya noong Lunes. Gayunman, inulit niya ang dati niyang pahayag na “we can’t rely on the president.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here