MANILA, Philippines – Isang mananaya mula sa Pangasinan ang nagwagi ng P91.16-milyong jackpot sa Superlotto 6/49 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office noong Linggo ng gabi, Hulyo 26, 2026.
Nag-iisang nahulaan ng bettor ang kombinasyong 04-10-19-14-13-05 para maiuwi ang P91,161,911.76, matapos ibawas ang komisyon para sa lotto agent.
Nabili ang winning ticket sa isang lotto outlet sa Pangasinan.
Dumating ang pagkapanalo dalawang araw matapos maiuwi ng isa pang bettor ang halos P21 milyon sa Megalotto 6/45 draw noong Biyernes.
Samantala, walang nakahula sa kombinasyong 50-11-30-44-33-07 para sa Ultra Lotto 6/58. Umakyat na sa P159,512,434.42 ang jackpot nito. RNT