Home OPINION PANGMATAGALANG WASHING MACHINE, DRYER INILUNSAD

PANGMATAGALANG WASHING MACHINE, DRYER INILUNSAD

NOONG  Nobyembre 22, 2024, opisyal na inilunsad ang SPEED QUEEN WASHER at DRYER WASHING MACHINE sa isang grand event na ginanap sa Garden Ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel, Mandaluyong City.
Ang paglunsad ay naging posible sa pamamagitan ng napakahalagang suporta ng Alliance Laundry Systems (ALS), AHAM Corporation, at American Home Appliances.
Sa loob ng mahigit tatlong dekada, ang SPEED QUEEN, isang sikat na American brand na nakilala pagiging matibay at de-kalidad na mga solusyon pang industriyal na paglalaba sa Pilipinas. Nagbigay ito ng mga serbisyo sa mga hotel, casino, ospital, at mga negosyong laundromat.
Mula sa paglilingkod sa malalaking negosyo, layunin na nga­yon ng Speed Queen na palawigin ang pagiging maaasahan at makapagbigay ng serbisyo sa mga tahanan.
Binigyang-diin ni Adam Heather, senior regional sales mana­ger ng ALS, kilalang sa tibay ang SpeedQueen sa pang industriya kaya ipinakilala namin ngayon sa mga tahanan ng mga Filipino.
Inilunsad ang top-load washers, front-load washers, gas at electric dryers, at isang stackable washer-dryer combination.
Ang presyo ay nagsisimula sa halagang Php 89,000 para sa mga entry-level units hanggang sa higit Php 100,000 para sa premium models, ito naman ay para sa pangmatagalang paggamit.
Mayroon nabibiling mga murang washing machine sa pamilihan na mula Php 10,000 hanggang Php 20,000 pero ang mga ito ay tumatagal lamang ng ilang taon. Sa Queen Speed, minimum years sa paggamit ay umaabot ng 25 na taon ang itatagal kaya mas marami pa rin bumibili ng Speed Queen.
May mga advanced features din ito na nagbibigay ng serbisyo sa mga consumer na marunong sa teknolohiya. Ang ilan sa kanilang mga komersyal na unit ay may ioT o internet of things capabilities, na nagpapahintulot sa mga may-ari ng laundromat na kahit nasa malayuang masubaybayan ang mga cycle, ang paggamit ng tubig, at pagkonsumo ng enerhiya.
Sadya kasing idinisenyo ang mga washing machine ng Speed Queen para sa pangmatagalang gamit. Hindi tulad ng karaniwang brand. Ang mga makina ng Speed Queen ay gawa sa commercial-grade materials kabilang ang mga bahagi ng metal, upang masiguro ang tatag, tibay at matagalang ang paggamit.
Sa kasalukuyang ang mga feature ng ioT ay limitado lamang sa mga pang-industriyang modelo, pahayag ni Heather, ngunit malapit na magkaroon nang pangtahanang modelo at iba pang  inobasyon. Bilang partner ng Speed Queen, nakatitiyak ang mga konsyumer na kaagad na mabibigyang atensyon ang inyong anomang katanungan at pangangailangan sa pangangalaga ng mga washing machine dahil ang AHAM Corporation ay mayroong ma­lawak na network ng 200 service centers.
Ang bawat produkto ay mayroon ding dalawang taong warranty at customer-first na mga patakaran sa serbisyo.
Ayon kay Hendrick Chan, executive vice president ng AHAM Corporation, ang Speed Queen ay isang investment, hindi nakapanghihinayang. “Ang kanilang reputasyon na kasingkahulugan ng kalidad ang siyang nagsasalita para sa produkto. At sila bilang servicing partner, pinahahalagahan namin ang makapagbigay ng kasiyahan sa mga konsyumer, tinitiyak namin makapagbigay ng mabilis na pag-aayos o pagpapalit ng piyesa tuwing kinakaila­ngan”, pagbabahagi ni Chan.
Available na ngayon ang mga SPEED QUEEN sa mga nangungunang appliance store sa bansa, tulad ng SM Appliance Center, Anson’s, Western appliances, at Robinsons appliances.
Ang layunin ng SpeedQueen ay baguhin ang pananaw ng mga Filipino tungkol sa pagpili ng kagamitan sa paglalaba at makapagbigay ng mahusay na karanasan sa paglalaba sa loob ng tahanan.