MANILA, Philippines – ASAHAN na ng mga motorista ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo na ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.
Sa indikasyon ng presyo nito para sa susunod na linggo, batay sa kalakalan ng Mean of Platts Singapore (MOPS) sa nakalipas na apat na araw, sinabi ng Jetti Petroleum na ang mga sumusunod ay ang mga tinantyang pababang paggalaw ng mga produktong petrolyo tulad ng sa diesel na may tinatayang bawas presyo na P0.20 hanggang P0.40 kada litro at gasolina na nasa P0.80 hanggang P1 kada litro.
Nabatid sa Jetti na bahagyang bumaba ang presyo bunsod ng pagpapagaan ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Ang mga kumpanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsyo ng opisyal na presyo tuwing Lunes, na ipatutupad sa susunod na araw.
Matatandaa na nitong linggo, binawasan ng mga kompanya ng langis sa bansa ang presyo ng gasolina ng P1.40 kada litro, diesel ng P1.80, at kerosene ng P2.20.
Ang mga kumpanya noong nakaraang linggo ay nagtaas ng presyo kada litro ng gasolina ng pinagsama-samang P3.50, diesel ng P5.20, at kerosene ng P4.80. JAY Reyes