MANILA, Philippines – TULUYAN nang binitawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Presidential Communications Office Senior Undersecretary Analisa “Ana” Puod.
Kinumpirma ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na tinanggap na ni Pangulong Marcos ang pagbibiiw ni Puod sa puwesto.
Sa ulat, sa nasabing resignation letter, binanggit ni Puod na ang dahilan ng kanyang pagbibitiw ay ang “untenable condition” sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan ng PCO.
Bagama’t hindi na idinetalye ang mga isyung kanyang tinutukoy, nagpahayag pa rin siya ng pasasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa tiwala at oportunidad na makapagsilbi sa ilalim ng kanyang administrasyon.
“In the short period that I have been with PCO I have gained much appreciation with your sincere and kind leadership, anchored on your genuine vision for better, greater Filipino nation,” ani Puod sa kanyang liham.
Bago maupong senior undersecretary, nagsilbi si Puod bilang general manager ng government television station na PTV. Kris Jose