Home ENTERTAINMENT Panliligaw ni Echo kay Kathryn, fake news!

Panliligaw ni Echo kay Kathryn, fake news!

Manila, Philippines – Mismong si Jericho Rosales na ang umamin sa isang TV interview na wala sa kanyang agenda this year ang maghanap ng bagong mamahalin.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na nito lang kinumpirma nina Echo at Kim Jones na ilang taon na silang separated.

It was a well-guarded secret na mukhang ang former couple lang or perhaps their close friends ang may tanging alam.

Pero paano maipapaliwanag ng aktor na silang dalawa umano ni Alden Richards ang masugid na manliligaw ngayon ni Kathryn Bernardo?

Ito’y base sa iniulat ni Ogie Diaz sa kanilang Showbiz Update online show.

In a separate interview, diretsong sinagot ni Echo if nasa plano niya this year na ma-in love uli, obviously batay sa scoop ni Ogie.

“No, it’s too early for that!” ani Echo.

Matatandaang he and Karhryn hogged showbiz headlines nang maispatang nagdya-jogging isang gabi sa Makati City.

That time, Echo was with his cousin John Manalo.

Sa night jog nagsimula ang posibleng pagkakamabutihan nina Kathryn at Echo lalo ngayong they’re both single: si Kath from Daniel Padilla, si Echo from Kim.

May nabuo ring Team Echo whose members are rooting for the actor against Team Alden.

Pero as far as Kathryn’s side is concerned, mas marami ang boto kay Alden for the 28-year-old actress sa maraming kadahilanan.

No love lost sa parte ni Echo kung siya na mismo ang maysabing he’s not rushing things when it comes to falling in love again.

Abangan na lang natin kung ano ang reaksyon ni Ogie sa denial ng aktor! Ronnie Carrasco III