Home HOME BANNER STORY Panukalang 6-year term sa barangay at SK officials inihain sa Kamara

Panukalang 6-year term sa barangay at SK officials inihain sa Kamara

MANILA, Philippines – Isang panukalang batas na nagsususulong na magkaroon ng anim na taong fixed term ang mga barangay at Sangguniang Kabataan officials ang inihain sa Kamara.

Ang House Bill No. 10747 ay inakda ni House Speaker Martin Romualdez at 6 na iba pang mambabatas, layunin ng panukala na magkaroon ng “continuity” sa mga programa ar proyekto sa barangay level.

“Sa ganitong paraan, magkakaroon kayo ng sapat na oras upang magplano at magpatupad ng mga pang-matagalang programa para sa ikauunlad ng inyong barangay,” pahayag ni Romualdez.

“Sa loob ng anim na taon, hindi na kayo maaabala ng mga isyung elektoral at makakapagtuon kayo ng buong atensyon sa serbisyo sa inyong mga ka-barangay. Makakabuo tayo ng matatag na pamumuno sa barangay at masisigurong sustainable ang mga proyekto at programa,” dagdag pa nito.

Samantala, iniuumang din ni Romualdez ang panukala na pagkakaroon ng Social Security System (SSS) membership sa lahat ng barangay officials.

Ang panukala ay ginawa no Romualdez matapos ang pakikipag usap nito kay SSS president Rolando Macasaet.

“Umaasa ako na sa lalong madaling panahon, lahat kayo ay magiging miyembro na ng SSS. Sa sandaling mangyari ito, agad na kayong mabibigyan ng life insurance at sa patuloy na pag-iipon natin sa pondo ng SSS, maaari rin kayong mag-qualify sa lifetime pension,” paliwanag ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na kinokonsidera nang maipasa sa Kamara ang isang panukala na magtatakda na ang.mga local government units ay maglalaan ng pondo para sa monthly SSS premium contribution ng mga barangay officers. Gail Mendoza