Home NATIONWIDE Panukalang lifetime ban sa pag-aalaga ng hayop, pagbuo ng national offender registry,...

Panukalang lifetime ban sa pag-aalaga ng hayop, pagbuo ng national offender registry, isinusulong ng solon

72
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Davao Oriental 2nd Rep  Cheeno Miguel Almario ang mas mabigat na parusa laban sa mga mapang-abuso sa hayop sa pamamagitan ng paghahain ng House Bill No. 9126.

Sa ilalim ng nasabing panukala, papatawan ng lifetime ban o habambuhay na pagbabawal sa pagmamay-ari ng hayop ang sinumang mapatutunayang nagkasala ng pagmamalupit sa mga ito.

Layon din ng bill na itatag ang isang National Animal Offender Registry upang matiyak na masusubaybayan ang mga lumalabag sa batas.

Target ng HB 9126 na amiyendahan ang Republic Act No. 8485, o ang Animal Welfare Act of 1998 kung saan idagdagdag ang perpetual ownership ban bilang accessory penalty bukod pa sa kasalukuyang parusang pagkakakulong at multa na P30,000 hanggang P100,000.

Ayon kay Almario, may malaking butas sa kasalukuyang batas na kailangang tapalan para sa proteksyon ng mga hayop.

“Convicted animal abusers can walk into any pet store or shelter the next day and start the cycle over again. That is a gap in the law, and it is the gap this bill closes,” pahayag ng kongresista. “Those who forfeit their right to care for animals through violence should never get that right back.” Giit nito.

Ang panukalang National Animal Offender Registry ang magsisilbing verification database upang hindi na makabili o makapag-ampon ng mga hayop ang mga nasa “blacklist” mula sa mga pet shop, breeders, shelters, o kahit sa mga private sales.

Plano rin ni Almario na makipagtulungan sa mga animal welfare organizations tulad ng Philippine Canine Club, Inc. at Feline Council of the Philippines, Inc. para sa mas mahigpit na monitoring sa implementasyon nito. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here