Home NATIONWIDE Panukalang paglipat ng petsa ng COC filing inaprubahan ng komite

Panukalang paglipat ng petsa ng COC filing inaprubahan ng komite

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng House committee on suffrage and electoral reforms ang House Resolution 1942 na nagrerekomenda sa Commission on Elections (Comelec) na iurong sa Disyembre ang paghahain on Certificates of Candidacy para sa May 2025 midterm elections.

Oktubre ang orihinal na iskedyul subalit nais itong gawin na simula Disyembre 1 hanggang Disyembre 8, 2024.

Sinabi ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr na ang pag-urong ng petsa ay para mabigyan ng sapat na panahon ang mga kandidato lalo at ipinagbabawal na ang substitution of candidates maliban sa kaso ng death o disqualification ng kandidato.

Kasabay nito ay inaprubahan din ng komite ang panukala na humihiling na ilipat ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa 2026 sa halip na sa 2025. Gail Mendoza