MANILA, Philippines- May kabuuang 32 fire incidents dulot ng paputok ang naiulat simula noong Enero ng kasalukuyang taon, base sa Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Huwebes.
Batay sa datos mula sa BFP, 16 sa fire incidents ang dulot ng fireworks o pyrotechnics, habang ang natitirang 15 ay dahil sa firecrackers. May kabuuang 20 fire incidents ang naganap noong Enero 2024.
Karamihan sa fire incidents dahil sa firecrackers at fireworks ay naiulat sa Calabarzon na may walong kaso, sinundan ng Metro Manila at Western Visayas sa tig-lima, at Central Luzon sa apat.
Limang indibidwal ang nasawi habang 24 ang nasugatan sa fire incidents.
Ang tinatayang kabuuang halaga ng pinsala ay nasa P210,450,029, batay sa BFP. RNT/SA