Home METRO Parak sugatan sa pumalag na ‘tulak’

Parak sugatan sa pumalag na ‘tulak’

135
0

MANILA, Philippines – Isang pulis ang nasugatan makaraang pumalag ang isang hinihinalang tulak nang arestuhin sa Kawit, Cavite, Martes ng gabi.

Ayon sa report ng pulisya, kinilala ang suspek na si alyas Jerson, na nasa listahan ng Street Level Individual.

Nagtamo naman ng sugat sa katawan ang rumespondeng operatiba ng Kawit Municipal Police Station (MPS) na si PMSg Pagaran.

Base sa ulat, bandang alas-10:15 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang operatiba ng Municipal Drug Enforcement Group ng Kawit MPS sa Brgy. Toclong, Kawit, Cavite, kung saan target ang suspek na si alyas Jerson.

Nang arestuhin, pumalag ang suspek na nagresulta sa pagkakasugat ng nasabing pulis.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 148 of the Revised Penal Code (Direct Assault) at Article 151 of the Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or Agent) ang naarestong suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 5 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may Standard Drug Price na P1,000.00, buy-bust money, at isang unit ng puti at blue na motorsiklong Suzuki Raider na may plakang 634PIX. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here