Home NATIONWIDE Paratang ni Bato: Doktor, pulis na nag-escort kay Duterte sa The Hague,...

Paratang ni Bato: Doktor, pulis na nag-escort kay Duterte sa The Hague, walang passport

MANILA, Philippines – Ipinaratang ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na walang dalang pasaporte ang lahat ng escorts ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang isuko sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague sa kasong crimes against humanity.

Sa kanyang unang paglitaw sa publiko, sinabi ni Dela Rosa sa isinagawang pangalang pagdinig ng Senate foreign relations sa pagdakip kay Duterte na walang dumalong miyembro ng Gabinete na pawang walang passport o visa ang doktor at pulis na kasama ng dating chief executive.

“Pagdating daw doon sa kung saan man sila dumating, wala raw mga papeles, walang mga passport, walang mga visa. Kita mo kung gaano nila viniolate lahat lahat para lang ma-carry out nila ‘yung kanilang matagal nang pangarap na mapabyahe si President Duterte sa The Hague,” ayon kay Dela Rosa.

“‘Yung mga pulis kawawa, walang visa dumating doon. Anong gusto nilang gawin sa oulis natin amg TNT? ‘Yung doctor ata yung, pinadala don walang papeles. Ano gusto nila mag-TNT ‘yung pulis natin doon?” dagdag niya.

Dahil dito, hiniling ni Dela Rosa sa komite na imbitahan sa susunod na pagdinig ang pulis at doktor na kasamang bumiyahe ni Duterte sa The Hague.

Sinabi naman ni Senador Imee Marcos, chairperson ng lupon na nilabag ng awtoridad ng Pilipinas ang batas ng The Netherlands nang isuko nila si Duterte sa ICC.

“Ang dami naman nilang nilabag na batas pati ‘yung immigration ng Amsterdam. Pambihira oh,” aniya.

Inilipad si Duterte sa The Hague matapos itong arestuhin paglapag sa Ninoy Aquino International Airport mulang Hong Kong, upang ikulong sa Hague Penitentiary Institution o ang Scheveningen Prison nitong Marso 13 sa kasong crimes against humanity.

Nakatakdang ikumpirma ang kanyang kaso sa Setyembre 23, 2025. Ernie Reyes