Home OPINION PARATANG VS NBI-R4A, DAPAT SILIPIN NI DIR. SANTIAGO

PARATANG VS NBI-R4A, DAPAT SILIPIN NI DIR. SANTIAGO

BREAKING news — Inirereklamo ang nagkakat na pergalan sa Batangas, Quezon at Rizal provinces na bukod sa may mga palarong sugal ay prente pa ng drug trafficking.

Animo’y mini-casinos at shabu dens ang pergalan ni Donya Tessie sa Poblacion, Laurel; San Andres, Bauan at Poblacion, Ibaan; Batangas kasosyo ang mag-inang Yoly at Tinay.

Sa Lipa city at Alitagtag town, Batangas ay may pwesto rin si Donya Tessie kasosyo si Baby Tomboy

Bukod sa Batangas ay may perga dens din si Donya Tessie sa Pagbilao, Quezon at Angono, Rizal na ang business partners ay sina Boy Life at Evelyn.

Kung bakit hindi hinuhuli ng mga pulis, yan ang dapat tuklasin ni Philippine National Police chief PGen Rommel Marbil. Abangan!

******

Matindi ang paratang o akusasyon sa isang opisyal ng National Bureau of Investigation sa Region 4A na ‘di dapat ipagwalang bahala ni Dir. Jaime Santiago.

Sa isang kalatas na kumakalat ngayon sa buong CaLaBaRZon ay pinaparatangan ang liderato ng NBI sa rehiyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan.

Hindi tukoy kung sino ang nag-aakusa sa Southern Regional Office na ito ng NBI pero kung basehan ang nilalaman ay nakaturo sa mga illegal gambling at paihi operator.

Sa kalatas, isang alyas ‘Meki Biscocho’ ang umiikot sa vice joints dahil siya umano’y napag-utusang manghingi ng lingguhang lagay para sa NBI official sa rehiyon.

Ang NBI ay premiere investigating body ng bansa na dapat makilala sa mga malalaki at sensational cases na iniimbestigahan at nilulutas hindi sa panghihingi na “tongpats” sa mga iligal.

Kung totoo ang paratang sa NBI-R4A, aba’y hindi dapat itong ipagkibit-balikat ng tinaguriang sharp shooter ng Manila’s Finest na naging judge din bago matalagang NBI director.

Ang paratang na pumapatong na rin ang NBI sa mga iligal, gamit si alyas Biscocho ay hindi dapat palagpasin – kailangang mabulatlat para malaman ang katotohanan.

Abangan natin ang aksyon ni Dir. Santiago.