Home HOME BANNER STORY Pardo kampyon sa MTBA Open Bowling Championship Classified Masters division

Pardo kampyon sa MTBA Open Bowling Championship Classified Masters division

632
0
CLASSIFIED CHAMP- Pinarangalan nina (dulong kanan) MTBA President Benny Antiporda at Secretary Ma. Jesusa Antiporda ang mga nagwagi sa MTBA 57th Open Tenpin Bowling Championship Classified Masters Division sa pangunguna (nasa podium) nina champion Miguel Pardo, 1st runner Taylor Son at 3rd place Joseph Rivera. Nasa litrato rin sina (L-R) Raymond Kang, Johnny Lugay, Ted Pagkatipunan, Konny Son, Taylor Son, Ramces Guzman, at Joel Lasam.

MANILA, Philippines – Hinirang na kampeon si Miguel Pardo ng Team TBAM sa 57th MTBA Open Tenpin Bowling Championship Classified  Masters Division na ginanap sa Playdium Bowling Center sa Quezon City.

Kumamada si Pardo ng 1,779 points sapat para maiuwi ang napakagandang trophy at tumataginting na P60,000 cash prize mula sa prestihiyosong kumpetisyon.

Binati ni MTBA President Benny Antiporda si Pardo dahil sa maganda nitong inilaro mula sa unang araw ng kumpetisyon hanggang sa finals.

Natangay naman ni Taylor Son ng MTBA-Remate ang 1st runner award sa iskor  na 1,758 kung saan tumanggap  ito ng cash prize na P30,000.

Ayon kay Son medyo kinapos lang siya ang ilang puntos para makuha ang karangalan pero natutuwa na rin siya at naibulsa niya ang 1st runner award para sa prestihiyosong kumpetisyon.

Naitakas naman ni Joseph Rivera (SLETBA) ang 3rd place award matapos umiskor ng 1,731 points. Tumanggap din si Rivera ng trophy at P15,000 cash prize.

Nagkasya naman si Konny Son  (MTBA-Remate) sa 4th place matapos umiskor ng 1,724 na may nakalaang premyong P8,000 habang sinungkit ni Ramces Guzman ang 5th place sa iskor na 1,722 at nakalaang P5,000 na premyo.

Kumasa rin sa kumpetisyon at sinigurong mananalo sina Ted Pagkatipunan (AMBA), Joel Lasam (PTBA), at Tantan Rivera (MTBA-Nobleland) na hinirang bilang 6th, 7th, at 8th places, ayon sa pagkakasunod-sunod, na may premyong tig-P4,000.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here