Home NATIONWIDE Solid North handang managot sa SCTEX accident

Solid North handang managot sa SCTEX accident

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Pangasinan Solid North nitong Sabado na inihinto na nito lahat ng operasyon nito kasunod ng desisyon ng Department of Transportation (DORT) na suspendihin ito kasunod ng pagkakasangkot sa multi-vehicle collision sa SCTEX sa Tarlac.

Bumangga umano ang isang Solid North bus, pinangangasiwaan ng Dagupan Bus Co., sa apat pang sasakyan na nagresulta sa pagkasawi ng 12 indibidwal at mahigit 27 sugatan.

“In compliance with the directive of DOTr, Pangasinan Solid North Transit, Inc. (PSNTI) has stopped its whole operations,” pahayag ng bus unit.

“For its patrons, unless otherwise provided, all trips of PSNTI are temporarily suspended. Effectively, all affected advance bookings may request for their respective cancellations,” dagdag nito.

Binigyang-diin ng bus company na naiintindihan nito ang suspensyon, sinabing ito ay magiging “responsible and accountable for it”.

Nagpaabot din ito ng pakikidalamhati sa mga biktima at mga apektado ng insidente.

Inanunsyo ni Transport Secretary Vince Dizon nitong Biyernes na lahat ng Pangasinan Solid North units ay suspendido sa loob ng 30 araw, mas matagal kumpara sa inisyal na 15 suspendidong units.

“Buong fleet na ng Pangasinan Solid North ay suspended. Hindi lang rutang papuntang Pangasinan kung saan nangyari ang aksidente, kundi yung buong fleet na ng Pangasinan Solid North ay suspended as of now. 30 days suspension,” aniya.

Magsasampa rin ng criminal charges laban sa Solid North at sa sangkot na bus driver, dagdag ng opisyal. RNT/SA