Home NATIONWIDE Pari huli sa orgy party; kulong sa sex at droga!

Pari huli sa orgy party; kulong sa sex at droga!

WARSAW, Poland – Isang Polish na pari ang sinentensiyahan ng 18 buwang pagkakulong dahil sa mga krimen na may kinalaman sa sex at droga, iniulat ng state news agency na PAP noong Martes, matapos ang isang insidente kung saan ang isang lalaki ay napaulat na nag-collapse habang nag-orgy sa kanyang tahanan.

Ayon sa mga ulat ng Polish media, isang lalaki ang bumagsak sa party matapos uminom ng napakaraming erectile dysfunction pills.

Ang isa sa mga partygoer ay tumawag ng ambulansya, ngunit nang dumating ang mga paramedic ay tinanggihan silang pumasok at nagawa lamang na tulungan ang lalaki pagkatapos tumawag ng pulis, ayon sa mga ulat.

Ang pari, na tinukoy bilang Tomasz Z dahil sa mga batas sa privacy ng Poland, ay sinentensiyahan para sa mga sekswal na pagkakasala, ang pagbibigay ng mga droga at hindi pagbibigay ng tulong sa isang taong nasa panganib ng pagkawala ng buhay o malubhang pinsala sa katawan.

Inutusan din siyang bayaran ang biktima ng 15,000 zlotys ($3,820) bilang danyos at magbayad ng ilang libong zloty sa isang pondong itinayo upang tulungan ang mga biktima ng krimen. RNT