Home METRO Ex-bf huli sa ‘sextortion’ sa guro

Ex-bf huli sa ‘sextortion’ sa guro

MANILA, Philippines – Huli ang isang 29-anyos na suspek matapos na nagtangkang kikilan ang dati niyang nobyang 25-anyos na guro para hindi ikalat ang kanilang sex video.

Nasakote ang suspek sa isang bus station sa Quezon City na susunduin sana ang biktima na bumyahe pa mula Camarines Sur.

Sinabi ni Police Captain Angelo Babagay, team leader ng Camarines Sur and Camarines Norte Regional Anti-Cybercrime Unit na matagal na nilang inaabangan ang suspek na nahaharap sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2022, Cybercrime Prevention Act of 2012, Grave Coercion, at Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Nagpaalala naman ang pulisya sa publiko na mag-ingat upang hindi maharap sa ganitong sitwasyon. RNT