MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules na wala pa silang natatanggap na court order upang kanselahin ang pasaporte ni dating mambabatas Zaldy Co, na umalis ng bansa matapos masangkot sa anomalya sa flood control projects.
“Under the New Passport Law, the DFA is authorized to cancel the passport of former Congressman Zaldy Co only upon receipt of a court order,” sabi ni DFA spokesperson Angelica Escalona.
“Once such court order is received, the DFA will carry out its mandate. This process is governed by established legal criteria and is not subject to arbitrary or political considerations.”
May mga warrants of arrest na inilabas laban kay Co at 17 iba pa, kabilang ang ilang opisyal ng Public Works at tauhan ng Sunwest Corp., na inaakusahan ng pagtanggap ng kickbacks mula sa flood control projects. Mariing itinanggi ni Co ang mga paratang.
Ayon sa batas, may tatlong dahilan upang ikansela ang pasaporte: kung ang may hawak ay tumakas sa hustisya, nahatulan ng krimen, o nakuha ang pasaporte sa pandaraya.
Si Co, dating pinuno ng House Appropriations Committee, ay nagbitiw sa pagiging kongresista kasunod ng mga alegasyon ng iregularidad.
Nagpahayag ng pag-asa si Interior Secretary Jonvic Remulla na mahuhuli pa rin si Co sa kabila ng mga hamon.
“Ako, hindi nawawalan ng pag-asa kasi maliit ang mundo at lalong maliit ang mundo niya,” ani Remulla. “Puwede siya magkamali, pwede tayong swertehin, pwede tayong through negotiations, pagbigyan tayo ng Portuguese government,” dagdag niya. Dave Baluyot